Skip to main content

Patakaran sa Privacy ng Web-based at Mobile Application Platform

Huling Na-update Noong Mayo 25, 2021

Pambungad

Nakatuon ang Science 37, Inc. (“Science 37,” “kami,” “namin,” o “amin”) sa pagprotekta ng iyong impormasyon. Sa layuning iyon, gusto naming maging pamilyar ka sa kung paano namin pinoproseso ang iyong impormasyon sa Web-based at/o Mobile Application Platform ng Science 37 (“Platform”), na ibinibigay namin para padaliin ang pakikilahok sa mga klinikal na pagsubok (clinical trial). Binabalangkas nitong Patakaran sa Privacy ng Science 37 Platform (“Patakaran sa Privacy”) kung paano kinokolekta, ginagamit, at isinisiwalat ng Science 37 ang impormasyong ibinibigay mo sa panahon ng iyong mga interaksyon sa Platform. Ito ay hiwalay sa mga kasanayan sa paghawak ng data na binalangkas ng isponsor sa Form ng May-kabatirang Pahintulot. 

Gumagawa ang mga isponsor ng mahahalagang desisyon sa kung anong Personal na Impormasyon ang kinokolekta at kung paano ginagamit at isinisiwalat ang iyong Personal na Impormasyon bilang bahagi ng isang klinikal na pagsubok. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano pinanghahawakan ang iyong Personal na Impormasyon sa klinikal na pagsubok, mga karapatan mo sa proteksyon ng data, at kung kanino makikipag-ugnayan sa anumang mga tanong tungkol sa klinikal na pagsubok, sumangguni sa seksyon ng pagiging kumpidensyal ng kaugnay na Form ng May-kabatirang Pahintulot.

Tulad ng pagkakagamit sa Patakaran sa Privacy na ito, ang ibig sabihin ng “Personal na Impormasyon” ay anumang impormasyon na maaaring gamitin para kilalanin o makatwirang maiuugnay, nang direkta o hindi direkta, sa isang espesipikong natural na tao.
 

Impormasyong Kinokolekta Namin Tungkol Sa Iyo

Kinokolekta namin ang sumusunod na Personal na Impormasyon kapag hiniling ng isponsor para gumawa ng mga account ng user ng Platform:

  • Iyong pangalan at email address
  • Iyong kagustuhan sa wika at time zone

Paano Namin Kinokoleka ang Iyong Personal na Impormasyon

Mangongolekta kami ng impormasyon mula sa iyo kapag kumukumpleto ka ng mga form sa Platform. Maaari rin kaming mangolekta ng impormasyon kapag sumulat ka sa amin (halimbawa, sa pamamagitan ng email) at kapag nag-ulat ka ng problema sa Platform. 

Kailangan naming mangolekta ng Personal na Impormasyon para maibigay ang mga hiniling na serbisyo ng Platform sa iyo. Kung hindi mo ibibigay ang impormasyong hinihingi, maaaring hindi namin maibigay ang mga serbisyo ng Platform. Kung magsisiwalat ka ng anumang Personal na Impormasyon ukol sa ibang tao sa amin o sa aming mga tagapaglaan ng serbisyo nang may kaugnayan sa Platform, kinakatawan mo na mayroon kang kapangyarihan para gawin ito at para pahintulutan kaming gamitin ang impormasyon alinsunod sa Patakaran sa Privacy na ito.
 

Paano Kami Gumagamit at Nagsisiwalat ng Personal na Impormasyon

Paggamit

Ginagamit namin ang Personal na Impormasyon na kinokolekta namin para sa mga legal, kontraktwal, at pangnegosyong layunin na nauugnay sa iyong pakikilahok sa klinikal na pagsubok. Halimbawa, kasama rito ang pagkolekta ng Personal na Impormasyon para sa mga layuning may kaugnayan sa serbisyo (tulad ng pag-optimize ng iyong karanasan ng user at pagpapanatili ng seguridad ng Platform), pagsuporta sa pagsunod (matutukoy ng iyong lokasyon kung anong mga batas at regulasyon ang nalalapat sa iyo), at pagbibigay ng mga kustomisasyon ng kagustuhan sa wika.

Kami at ang aming mga tagapaglaan ng serbisyo ay gumagamit ng Personal na Impormasyon para sa mga sumusunod na layunin:
 

  • Pagbibigay ng functionality ng Platform at pagtupad sa iyong mga kahilingan.
    • Para maibigay ang functionality ng Platform sa iyo, tulad ng pag-aayos ng access sa iyong nakarehistrong account, at pagbibigay sa iyo ng kaugnay na serbisyo sa customer.
    • Para tumugon sa iyong mga pagtatanong at tuparin ang iyong mga kahilingan, kapag nakipag-ugnayan ka sa amin sa pamamagitan ng isa sa aming mga online na form sa pakikipag-ugnayan o iba pa; halimbawa, kapag nagpadala ka sa amin ng mga tanong, suhestyon, papuri, o reklamo.
    • Para magpadala ng pang-administratibong impormasyon sa iyo, tulad ng mga pagbabago sa aming mga tuntunin, kondisyon, patakaran, at mga pagbabago sa Platform.

Makikisali kami sa mga aktibidad na ito upang pamahalaan ang aming kontraktwal na relasyon sa iyo at/o upang sumunod sa isang legal na obligasyon.
 

  • Pagtupad sa aming mga layuning pangnegosyo.
    • Para pangasiwaan at protektahan ang seguridad ng Platform, kabilang ang pagto-troubleshoot, pag-aanalisa ng data, at pagsubok sa sistema.
    • Para sa pag-aanalisa ng data; halimbawa, para pag-aralang maigi ang mga trend tungkol sa paggamit ng Platform, para mapahusay ang pagiging episyente ng Platform.
    • Para sa mga awdit, upang beripikahin na ang aming mga panloob na proseso ay gumagana tulad ng nilalayon at upang matugunan ang mga legal, pangregulatoryo, o kontraktwal na kinakailangan.
    • Para sa mga layunin ng pagpigil sa panloloko at pagsubabay sa seguridad sa panloloko; halimbawa, upang matukoy at mapigilan ang mga cyberattack o mga pagtatangkang gumawa ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan.
    • Para sa pagbuo ng mga bagong produkto at serbisyo.
    • Para sa pagpapahusay, pagpapabuti, pagkukumpuni, pagmimintina, o pagmomodipika sa aming mga kasalukuyang produkto at serbisyo, at pati na rin pagsasagawa ng mga hakbang sa pagtiyak ng kalidad at kaligtasan.

Makikisali kami sa mga aktibidad na ito upang pamahalaan ang aming kontraktwal na relasyon sa iyo, upang sumunod sa isang legal na obligasyon, at/o batay sa aming lehitimong interes.
 

  • Pagsasama-sama at/o pag-anonymize ng Personal na Impormasyon
    • Maaari naming pagsama-samahin at/o i-anonymize ang Personal na Impormasyon nang sa gayon ay hindi na ito maituturing na Personal na Impormasyon. Ginagawa namin ito para bumuo ng iba pang data para sa aming paggamit, na maaari naming gamitin at isiwalat para sa anumang layunin, dahil hindi na ito nakapagpapakilala sa iyo o sa sinumang iba pang indibidwal. Halimbawa, maaari naming pagsama-samahin ang panlahatang data ng paggamit upang tukuyin ang mga trend tungkol sa kung paano ina-access ng mga user ng Platform ang isang espesipikong feature ng Platform para magpabatid ng mga pagpapahusay sa hinaharap.

 

Pagsisiwalat

Maaaring isiwalat ang Personal na Impormasyon sa aming mga third-party na tagapaglaan ng serbisyo, para padaliin ang mga serbisyong ibinibigay nila sa amin. Maaaring kinabibilangan ito ng mga tagapaglaan ng mga serbisyo tulad ng pagho-host ng website, pag-aanalisa ng data, pagpigil sa panloloko, teknolohiya ng impormasyon, at kaugnay na pagbibigay ng imprastraktura, serbisyo sa customer, paghahatid ng email, pag-awdit, at iba pang serbisyo.
 

Iba Pang Paggamit at Pagsisiwalat

Ginagamit at isinisiwalat din namin ang iyong Personal na Impormasyon kung kinakailangan o naaangkop, at nang walang espesipikong pahintulot mo, lalo na kapag mayroon kaming legal na obligasyon o lehitimong interes para gawin ito, kabilang ang:
 

  • Para sumunod sa isang kautusan ng korte, batas, regulasyon, o legal na proseso, kabilang na para tumugon sa isang kahilingan ng pamahalaan o regulatoryo, na maaaring kinabibilangan ng mga batas sa labas ng iyong bansang tinitirhan.
  • Para makipagtulungan sa mga pampubliko at pampamahalaang awtoridad, kabilang na para tumugon sa isang kahilingan o para ibigay ang impormasyon na pinaniniwalaan naming kinakailangan o naaangkop (maaaring kinabibilangan ito ng mga awtoridad sa labas ng iyong bansang tinitirhan).
  • Para makipagtulungan sa tagapagpatupad ng batas, halimbawa, kabilang kapag tumutugon kami sa mga kahilingan at kautusan ng tagapagpatupad ng batas o ibinibigay namin ang impormasyon na pinaniniwalaan naming mahalaga.
  • Para sa iba pang legal na dahilan, kabilang na para ipatupad ang aming mga tuntunin at kondisyon o para protektahan ang aming mga karapatan, privacy, kaligtasan o ari-arian, at/o ang sa aming mga affiliate, ang sa iyo o ang sa iba.
  • Nang may kaugnayan sa isang pagbebenta o transaksyon sa negosyo. Mayroon kaming lehitimong interes sa pagsisiwalat o paglilipat ng iyong Personal na Impormasyon sa isang third party sakaling magkaroon ng anumang reorganisasyon, pagsasanib, pagbebenta, joint venture, pagtatalaga, paglipat, o iba pang disposisyon ng lahat o alinmang bahagi ng aming negosyo, mga asset, o stock (kabilang na ang may kaugnayan sa anumang pagdinig sa pagkabangkarote o mga katulad na pagdinig).

Iba Pang Impormasyon

Ang “Iba Pang Impormasyon” ay anumang impormasyon na hindi nagbubunyag sa iyong espesipikong pagkakakilanlan o hindi direktang nauugnay sa isang makikilalang indibidwal. Nangongolekta ang Platform ng Iba Pang Impormasyon tulad ng:
 

  • Impormasyon ng browser at device
  • Data ng paggamit ng app
  • Impormasyong nakolekta sa pamamagitan ng mga pixel tag at iba pang teknolohiya
  • Impormasyon na pinagsama-sama sa paraang hindi na nito ibinubunyag ang iyong espesipikong pagkakakilanlan

Maaari naming gamitin at isiwalat ang Iba Pang Impormasyon para sa anumang layunin, maliban kung saan inaatasan kaming gawin ang kabaligtaran sa ilalim ng naaangkop na batas. Kung inaatasan kaming tratuhin ang Iba Pang Impormasyon bilang Personal na Impormasyon sa ilalim ng naaangkop na batas, maaari naming gamitin o isiwalat ito para sa mga layunin kung saan namin ginagamit at isinisiwalat ang Personal na Impormasyon tulad ng idinetalye sa Patakaran sa Privacy na ito. Sa ilang pangyayari, maaari naming pagsamahin ang Iba Pang Impormasyon at Personal na Impormasyon. Kung gagawin namin ito, tatratuhin namin ang pinagsamang impormasyon bilang Personal na Impormasyon.
 

Paglipat at Pag-iimbak ng Personal na Impormasyon

May punong himpilan ang Science 37 sa Los Angeles, California sa Estados Unidos. Ang iyong Personal na Impormasyon ay maaaring iimbak at iproseso sa alinmang bansa kung saan mayroon kaming mga pasilidad o kung saan kumokontrata kami ng mga tagapaglaan ng serbisyo, at sa pamamagitan ng paggamit sa Platform, nauunawaan mo na ililipat ang iyong impormasyon sa mga bansang nasa labas ng iyong bansang tinitirhan, kabilang ang Estados Unidos, na maaaring may mga panuntunan sa proteksyon ng data na naiiba sa mga panuntunan ng iyong bansa. Sa ilang partikular na pangyayari, ang mga korte, mga ahensyang nagpapatupad ng batas, mga ahensyang pangregulatoryo, o mga awtoridad na pangseguridad sa iba pang mga bansang iyon ay maaaring magkaroon ng karapatan na i-access ang iyong Personal na Impormasyon.
 

Karagdagang Impormasyon Tungkol sa EEA, Switzerland, at UK

Ang ilang hindi EEA na bansa ay kinikilala ng European Commission, Switzerland, at UK na nagbibigay ng sapat na antas ng proteksyon ng data ayon sa kanilang mga pamantayan (available dito ang buong listahan ng mga bansang may sapat na proteksyon). Para sa mga paglipat mula sa EEA, Switzerland, at UK papunta sa mga bansang hindi itinuturing na sapat ng European Commission, naglagay kami ng mga sapat na hakbang, tulad ng mga pamantayang sugnay na nasa kontrata na pinagtibay ng European Commission upang protektahan ang iyong Personal na Impormasyon. Maaari kang makakuha ng kopya ng mga hakbang na ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin alinsunod sa seksyong “Paano Makipag-ugnayan sa Amin” na nasa ibaba.

Kung mayroon kang anumang tanong na may kaugnayan sa privacy tungkol sa paglipat o pag-iimbak ng iyong Personal na Impormasyon, makipag-ugnayan sa amin sa Privacy@Science37.com.
 

Seguridad ng Data

Nakatuon ang Science 37 sa pagprotekta ng Personal na Impormasyon na ibinabahagi mo sa amin. Nagsisikap kami na gumamit ng kumbinasyon ng mga makatwirang teknolohiyang pangseguridad, mga pamamaraan, at mga hakbang na pang-organisasyon para makatulong na protektahan ang iyong Personal na Impormasyon mula sa hindi awtorisadong pag-access, paggamit, o pagsisiwalat. Sa kasamaang palad, walang sistema ng transmisyon o pag-iimbak ng data ang magagarantisadong magiging 100% ligtas. Kung mayroon kang dahilan para paniwalaan na hindi na ligtas ang iyong interaksyon sa amin, pakiabisuhan kami kaagad alinsunod sa seksyong “Paano Makipag-ugnayan sa Amin” na nasa ibaba.
 

Pagpapanatili ng Data

Pinapanatili namin ang iyong personal na impormasyon para sa haba ng panahon na kinakailangan o pinahihintulutan nang isinasaalang-alang ang (mga) layunin para kung saan ito kinuha, tulad ng binalangkas sa Patakaran sa Privacy na ito, at/o alinsunod sa naaangkop na batas. Kasama sa mga pamantayan na ginagamit upang tukuyin ang aming mga tagal ng pagpapanatili: 
 

  • Ang haba ng panahon na mayroon kaming patuloy na relasyon sa iyo at ibinibigay namin ang Platform sa iyo (halimbawa, para sa haba ng pag-aaral kung saan ka lumalahok);
  • Kung mayroon bang legal na obligasyon kung saan kami napapailalim; o
  • Kung maipapayo ba ang pagpapanatili kung isasaalang-alang ang aming legal na posisyon (tulad ng tungkol sa mga naaangkop na batas ng mga limitasyon, paglilitis, o mga imbestigasyong panregulatoryo).  

Mga Karapatan Mo

Kung nais mong humingi ng access, itama, i-update, i-suppress, paghigpitan, o i-delete ang Personal na Impormasyon, tumutol o mag-opt out sa pagpoproseso ng Personal na Impormasyon, o kung nais mong hilingin na makatanggap ng kopya ng iyong Personal na Impormasyon para sa mga layunin ng pagpapadala nito sa isa pang kumpanya (sa saklaw na ang mga karapatang ito ay ibinibigay sa iyo ng naaangkop na batas), makipag-ugnayan sa amin gamit ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa dulo ng Patakaran sa Privacy na ito. Tutugon kami sa iyong kahilingan nang naaalinsunod sa naaangkop na batas. 

Sa iyong kahilingan, pakilinaw kung anong Personal na Impormasyon ang nais mong ipabago o kung nais mong ipa-suppress ang iyong Personal na Impormasyon mula sa aming database. Para sa iyong proteksyon, maaari lamang kaming magpatupad ng mga kahilingan tungkol sa Personal na Impormasyon na nauugnay sa partikular na email address na ginagamit mo para ipadala sa amin ang iyong kahilingan, at maaaring kailanganin naming beripikahin ang iyong pagkakakilanlan bago ipatupad ang iyong kahilingan. Susubukan naming sumunod sa iyong kahilingan kapag makatwirang maisasagawa.

Pakitandaan na maaaring kailangan naming panatilihin ang ilang partikular na impormasyon para sa mga layunin ng pagtatago ng mga rekord at/o para kumpletuhin ang anumang transaksyon na inumpisahan mo bago humiling ng pagbabago o pag-delete. 

Kung umalis o inalis ka mula sa isang klinikal na pagsubok, hindi kami mangongolekta o tatanggap ng anumang bagong impormasyon mula sa Platform. Gayunpaman, ang impormasyong nakolekta, naproseso, at naimbak na hanggang sa oras na matanggap at maproseso ang iyong kahilingang umalis ay maaaring hindi ma-delete, at maaaring patuloy na gamitin para sa layunin ng klinikal na pagsubok, kabilang ang pagsunod sa mga panregulatoryong kinakailangan, maliban kung iba ang iniaatas ng naaangkop na batas.
 

Mga Pagbabago sa Patakaran sa Privacy

Maaari kaming gumawa ng mga pagbabago sa Platform at, bilang resulta, kakailanganin naming rebisahin ang Patakaran sa Privacy na ito upang ipakita ang mga pagbabagong iyon. Ipapaskil namin sa aming website ang lahat ng naturang pagbabago sa Patakaran sa Privacy na ito, kaya dapat mong siyasatin ang page na ito nang pana-panahon. Anumang pagbabago ay magiging epektibo kapag ipinaskil namin ang nirebisang Patakaran sa Privacy sa aming website.
 

Paano Makipag-ugnayan sa Amin

Science 37, Inc.
Jen Davis, Deputy General Counsel at Privacy Officer
600 Corporate Pointe #320
Culver City, CA 90230
 

Karagdagang Impormasyon Tungkol sa EEA, Switzerland, at UK

Maaari ka ring

  • Makipag-ugnayan sa Data Protection Officer (DPO) sa pamamagitan ng pag-email sa Privacy@Science37.com.
  • Direktang maghain ng reklamo sa anumang kaugnay na nangangasiwang awtoridad para sa iyong bansa o rehiyon kung saan naroon ang iyong kinagawiang tirahan o lugar ng trabaho o kung saan nangyayari ang isang ipinaparatang na paglabag sa naaangkop na batas sa proteksyon ng data. Available ang isang listahan ng mga awtoridad sa proteksyon ng data sa http://ec.europa.eu/newsroom/article29/item-detail.cfm?item_id=612080.