Ang paggamit mo ng Web-based o Mobile Application Platform ng Science 37 ay bumubuo sa iyong pagtanggap ng mga Tuntunin at Kondisyon na ito. Binigyan ka ng access sa Web-based at/o Mobile Application Platform ng Science 37 upang mapadali ang pakikilahok mo sa klinikal na pagsubok. Siguruhin na nabasa mo nang mabuti ang mga Tuntunin at Kondisyon na ito, lalo na ang mga seksyon sa Pagtatatwa ng mga Garantiya, Mga Paghihigpit sa Lisensya, Mga Representasyon at Garantiya Mo, Limitasyon ng Pananagutan, Pagbabayad-pinsala, at Namamahalang Batas, na aming isinulat sa malaking titik, sinalungguhitan, o pinaitim ang letra upang kunin ang iyong pansin. Ang pagtanggi sa mga Tuntunin at Kondisyon na ito ay maaaring makaapekto sa iyong pagiging karapat-dapat na lumahok sa pagsubok na iyon.
Sino kami at tungkol sa kasunduang ito
Ang Science 37, Inc. (sama-samang tinutukoy bilang “Science 37”, “Kami”, “Namin”, o “Amin”) ay nangangasiwa sa iyong paglahok sa klinikal na pagsubok sa pamamagitan ng paglilisensya ng Science 37 Web-based at/o Mobile Application Platform (“Platform”) nito sa iyo. Pinahihintulutan ka ng Platform na gamitin ang Science 37 Platform bilang bahagi ng klinikal na pagsubok (“Pagsubok”) kung saan ka nagpakita ng interes. Ang mga tuntunin at kondisyon na ito (“Mga Tuntunin at Kondisyon”) ay bumubuo ng legal na kasunduan sa pagitan mo at ng Science 37, ang indibidwal (“ikaw”, “mo” at “iyo”) na may kinalaman sa pag-access mo at paggamit ng Platform at Serbisyo. Ang probisyon ng Platform ay tinutukoy sa mga Tuntunin at Kondisyon bilang “Serbisyo.”
Ang tungkulin ng Science 37 ay limitado sa pagpapagamit at paglalaan sa iyo ng Platform at Serbisyo. Ang Science 37 ay hiwalay mula sa isponsor ng klinikal na pagsubok at mga tagapaglaan ng pangangalagang pangkalusugan at iba pang mga tauhan na magbibigay sa iyo ng mga serbisyong nauugnay sa pagsubok sa pamamagitan ng Serbisyo. Ang Science 37 ay hindi responsable at walang pananagutan para sa aksyon ng mga tauhan ng mga tagapaglaan ng pangangalagang pangkalusugan, mga omisyon o para sa anumang nilalaman ng mga komunikasyon na isinagawa nila. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng Platform at Serbisyo na ito, ang Science 37 ay hindi nagbibigay ng medikal o pangkalusugang payo o mga serbisyo.
Privacy mo
Ginagamit namin ang anumang personal na impormasyon na ibinibigay mo sa pamamagitan ng paggamit mo ng Platform at ng Serbisyo sa mga paraan na itinakda sa aming Patakaran ng Privacy. Hindi namin ginagamit ang data na ito sa anumang iba pang paraan.
Kapag nag-download ka ng Platform mula sa app store, ang mga tuntunin at kondisyon at patakaran ng privacy ng naturang app store ay maaaring gamitin sa iyo. Hinihikayat ka naming basahin ang mga tuntunin at kondisyon at patakaran ng privacy ng kaugnay na app store na ginagamit mo sa pag-download ng Platform upang maunawaan ang kanilang mga tuntunin at kung paano nila ginagamit ang iyong personal na impormasyon.
Suporta para sa Platform
Kung gusto mong malaman ang higit pa tungkol sa Platform o kailangan ng suporta sa paggamit ng Platform, makipag-ugnayan sa techsupport@science37.com.
Ikaw ay dapat na edad 13 (o katumbas ng minimum na edad sa iyong bansa o teritoryong tinitirhan) o higit pa upang tanggapin ang mga Tuntunin at Kondisyon na ito at gamitin ang Platform.
Kung wala kang legal na kapasidad (halimbawa dahil isa kang menor de edad) para pumasok sa mga Tuntunin at Kondisyon na ito, tiyaking babasahin mo ang mga Tuntunin at Kondisyon na ito kasama ng iyong legal na tagapag-alaga at gagamitin lamang ang Platform kung sila ay sumang-ayon sa iyong paggamit at sa mga Tuntunin at Kondisyon na ito.
Paano mo maaaring gamitin ang Platform
Bilang kapalit sa pagsang-ayon na sumunod sa mga Tuntunin at Kondisyon na ito, maaari kang:
(i) mag-download ng kopya ng Platform sa iyong mobile device at tingnan, gamitin at ipakita ang Platform at Serbisyo sa nasabing device para sa mga personal na layunin mo lamang; at
(ii) tumanggap at gumamit ng anumang supplementary software code o mga update ng Platform kalakip ang mga "patch" at pagwawasto ng mga error na ginagawa naming available sa iyo.
Hindi mo maaaring ilipat ang Platform sa ibang tao.
Bilang kapalit ng pagsang-ayon mo sa mga Tuntunin at Kondisyon na ito, binibigyan ka namin ng personal na karapatan na gamitin ang Platform at ang Serbisyo tulad ng itinatakda sa ibaba. Hindi mo maaaring ilipat ang Platform o ang Serbisyo sa ibang tao.
Mga Update sa Platform at mga pagbabago sa Serbisyo
Paminsan-minsan, maaari naming awtomatikong i-update o baguhin ang Platform at/o Serbisyo upang pahusayin ang performance, pahusayin ang paggana, ipakita ang mga pagbabago sa operating system o tugunan ang mga isyung pangseguridad. Bilang kahalili, maaaring hilingin namin sa iyo na i-update ang Platform sa mga kadahilanang ito.
Kung pinili mo na hindi mag-install ng mga naturang update o kung nag-opt out ka sa mga awtomatikong update, hindi ka makakapagpatuloy na gamitin ang Platform at ang Serbisyo.
Kung may ibang tao na nagmamay-ari ng telepono o device na ginagamit mo
Kapag nag-download ka ng Platform sa anumang telepono o ibang device na hindi mo pag-aari, dapat na mayroon kang pahintulot ng may-ari para gawin iyon. Magiging responsable ka sa pagsunod sa mga Tuntunin at Kondisyon na ito, pag-aari mo man o hindi ang telepono o ibang device kung saan ka nag-download ng Platform.
Mga paghihigpit sa lisensya
Sumasang-ayon ka na hindi mo:
(i) kokopyahin ang Platform, maliban sa hayagang ipinahintulot ng lisensyang ito;
(ii) babaguhin, isasalin, ihahalaw o di kaya’y gagawan ng mga hinangong likha o pagpapahusay, patentable man o hindi, ang Platform;
(iii) ire-reverse engineer, kakalasin, ide-decompile, ide-decode, o di kaya’y tatangkain na hanguin o magkaroon ng access sa source code ng Platform o ng alinmang bahagi nito;
(iv) tatanggalin, buburahin, iibahin o tatakpan ang anumang trademark o anumang abiso sa copyright, trademark, patent o iba pang intelektuwal na ari-arian o mga karapatan sa pag-aari mula sa Platform, kabilang ang alinmang kopya ng mga ito;
(v) ipaparenta, ipapahiram, ibebenta, isa-sublicense, itatalaga, ipapamahagi, ilalathala, ililipat o di kaya’y gagawing available ang Platform, o anumang feature o functionality ng Platform, sa sinumang third party para sa anumang kadahilanan, kabilang ang paglalaan at pagpapagamit sa Platform sa isang network kung saan may kakayahan itong ma-access ng higit sa isang device sa anumang oras; o
(vi) tatanggalin, idi-disable, dadayain, o di kaya’y gagawa o magpapatupad ng anumang workaround sa anumang proteksyon ng kopya, pamamahala sa mga karapatan, o mga feature ng seguridad na nasa Platform o pumoprotekta rito.
Mga representasyon at garantiya mo
Sa pamamagitan ng paggamit ng Platform, sumasang-ayon ka sa mga sumusunod:
(i) hindi mo gagamitin ang Platform o Serbisyo sa anumang labag sa batas na paraan, para sa anumang labag sa batas na layunin, o sa anumang paraang hindi naaayon sa mga tuntuning ito, o kikilos nang mapanlinlang o may masamang hangarin, halimbawa, sa pamamagitan ng pag-hack o paglalagay ng malisyosong code, tulad ng mga virus o mapanganib na data, sa Platform o Serbisyo;
(ii) hindi mo panghihimasukan ang aming mga karapatan sa intelektuwal na ari-arian o ng sinumang third party na may kaugnayan sa iyong paggamit ng Platform o Serbisyo;
(iii) hindi ka magpapadala ng anumang materyal na mapanirang-puri, nakakasakit o kung hindi man ay hindi kanais-nais na may kaugnayan sa iyong paggamit ng Platform o Serbisyo;
(iv) hindi mo gagamitin ang Platform o Serbisyo sa isang paraan na maaaring makapinsala, hindi makapagpagana, makapagpabigat, makasira o makapagkompromiso sa seguridad ng Platform o Serbisyo o makagambala sa iba pang gumagamit; at
(v) hindi ka mangongolekta o mangangalap ng anumang impormasyon o data mula sa Serbisyo.
Mga karapatan sa intelektuwal na ari-arian
Lahat ng karapatan sa intelektuwal na ari-arian sa Platform at Serbisyo sa buong mundo ay pag-aari ng Science 37 at ang mga karapatan sa Platform at ang Serbisyo ay lisensyado (hindi ipinagbibili) sa iyo. Wala kang karapatan sa intelektuwal na ari-arian sa Platform o Serbisyo maliban sa karapatang gamitin ang mga ito alinsunod sa mga Tuntunin at Kondisyon na ito.
Pagwawakas
Kung lalabag ka sa Mga Tuntunin at Kondisyon na ito, ang iyong kakayahang gamitin ang Platform at/o Serbisyo ay wawakasan. Ang mga aksyong ito ay karagdagan sa anumang iba pang karapatan o remedyo na maaaring magamit sa batas ng Science 37.
Maaari mong wakasan ang mga Tuntunin at Kondisyon na ito sa pamamagitan ng pagtigil sa pag-access at paggamit ng Platform.
Maaari naming wakasan ang mga Tuntunin at Kondisyon na ito sa anumang oras nang walang abiso, para sa anuman o walang dahilan.
Sa oras na wakasan:
Ang lahat ng karapatan na ipinagkaloob sa iyo sa ilalim ng mga Tuntunin at Kondisyon na ito ay magwawakas din; at dapat mong itigil ang lahat ng paggamit ng Platform at i-delete ang App mula sa iyong mobile device. Aalisin ng Science 37 ang iyong mga karapatan sa pag-access sa Platform.
Ang pagwawakas ay hindi maglilimita sa alinman sa mga karapatan o remedyo ng Science 37 sa batas o sa pagkamakatarungan.
Pagtatatwa ng mga Garantiya. ANG PLATFORM AY IBINIBIGAY SA IYO NANG "AS IS" (SA KASALUKUYANG KONDISYON) AT KASAMA ANG LAHAT NG ANUMANG URI NG MGA MALI AT DEPEKTO NANG WALANG GARANTIYA. HANGGA’T PINAHIHINTULUTAN SA ILALIM NG NAAANGKOP NA BATAS, HAYAGANG ITINATATWA NG SCIENCE 37 ANG LAHAT NG GARANTIYA, IPINABABATID MAN, IPINAHIHIWATIG, IPINAG-UUTOS O DI KAYA’Y MAY KINALAMAN SA PLATFORM, KABILANG ANG LAHAT NG IPINAHIHIWATIG NA GARANTIYA NG KAKAYAHANG MAIBENTA, KAANGKUPAN PARA SA PARTIKULAR NA LAYUNIN, TITULO, AT HINDI PAGLABAG, AT MGA GARANTIYA NA MAAARING MAGMULA SA BUONG PAG-AALOK, BUONG PERFORMANCE, PAGGAMIT, O KASANAYAN SA KALAKALAN. ANG SCIENCE 37 AY WALANG IBINIBIGAY NA GARANTIYA O PANGAKO NANG WALANG LIMITASYON SA SINUSUNDAN, AT HINDI NAGPAPAHIWATIG SA ANUMANG URI NA ANG PLATFORM AY MATUTUGUNAN ANG MGA PANGANGAILANGAN MO, MAKAKAMIT ANG ANUMANG NILALAYONG RESULTA, MAGIGING ANGKOP, O GAGANA SA ANUMANG IBA PANG SOFTWARE, MGA APPLICATION, SISTEMA, O MGA SERBISYO, TATAKBO NANG TULOY-TULOY, MATUTUGUNAN ANG ANUMANG PAMANTAYAN NG PERFORMANCE O PAGKAMAAASAHAN, O WALANG ERROR, O ANG ANUMANG ERROR O DEPEKTO AY IWAWASTO O KAYANG MAIWASTO.
SA KABILA NG NABANGGIT, WALA SA MGA TUNTUNIN AT KONDISYON NA ITO ANG NAGHAHANGAD NA IBUKOD O LIMITAHAN ANG PANANAGUTAN NG ALINMANG PARTIDO SA KABILANG PARTIDO PARA SA PAGKAMATAY O PERSONAL NA PINSALA DULOT NG KAPABAYAAN, PANLILINLANG O MAPANLINLANG NA MALING REPRESENTASYON, O PARA SA IBA PANG PANANAGUTAN NA HINDI MAAARING LIMITAHAN O IBUKOD NG MGA NAAANGKOP NA BATAS.
ANG ILANG HURISDIKSYON AY HINDI NAGPAPAHINTULOT NG ILANG PARTIKULAR NA PAGTATATWA NG MGA GARANTIYA KAYA ANG ILAN O ANG LAHAT NG NABANGGIT SA ITAAS AY MAAARING HINDI NAAANGKOP SA IYO.
Seguridad ng Platform. Nauunawaan mo at sumasang-ayon ka na ang Platform, tulad ng karamihan sa iba pang software at serbisyo sa Internet, ay maaaring mapailalim sa mga isyu sa seguridad (kabilang ngunit hindi limitado sa mga isyu sa seguridad na dulot ng mga user, kalidad ng serbisyo sa network, kapaligirang panlipunan, mga virus, mga Trojan horse program, mga malisyosong program atbp.). Ang Science 37 ay hindi responsable para sa, at hindi matitiyak ang, seguridad ng anumang transmisyon ng data na ginawa mo o ng iyong mobile device gamit ang mga hindi ligtas na koneksyon sa Internet. Tinatanggap mo ang mga kaakibat na implikasyong pangseguridad ng paggamit ng Platform, at pinapayuhan ka naming magpatibay ng mga hakbang sa seguridad upang protektahan ang iyong device (tulad ng na-update na mga antivirus system).
Limitasyon ng Pananagutan. HANGGANG SA SAKLAW NA PINAHIHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS, ANG SCIENCE 37 AY HINDI MAGKAKAROON NG ANUMANG PANANAGUTAN ANUPAMAN ANG KALAGAYAN NA DULOT NG O NAUUGNAY SA PAGGAMIT MO NG O SA KAWALAN NG KAKAYAHANG GAMITIN ANG PLATFORM O ANG NILALAMAN AT MGA SERBISYO PARA SA:
PERSONAL NA PINSALA, PINSALA SA ARI-ARIAN, MGA NAWALANG KITA, GASTOS SA KAHALILING MGA KALAKAL O SERBISYO, PAGKAWALA NG DATA, PAGKAWALA NG GOODWILL (NAITATAG NA REPUTASYON NG NEGOSYO), PAGKAGAMBALA SA NEGOSYO, PAGPALYA O MALING PAGGANA NG COMPUTER, O IBA PANG KINAHANTUNGAN, NAGKATAON, HINDI DIREKTA, PAMBABALA, ESPESYAL, O PAMPARUSANG MGA PINSALA.
ANG MGA LIMITASYON NA UNANG NABANGGIT AY ILALAPAT KUNG ANG MGA NATURANG PINSALA AY MULA SA PAGLABAG SA KONTRATA, TORT (KABILANG ANG KAPABAYAAN), O SA IBANG PARAAN AT HINDI ALINTANA KUNG ANG MGA NATURANG PINSALA AY NAKIKINITA O PINAYUHAN ANG SCIENCE 37 NG POSIBILIDAD NG MGA NATURANG PINSALA. ANG ILANG HURISDIKSYON AY HINDI NAGPAPAHINTULOT SA ILANG PARTIKULAR NA LIMITASYON NG PANANAGUTAN KAYA ANG ILAN O ANG LAHAT NG NABANGGIT SA ITAAS NA LIMITASYON NG PANANAGUTAN AY MAAARING HINDI NAAANGKOP SA IYO.
Pagbabayad-pinsala. Sumasang-ayon ka na magbayad-pinsala, ipagtanggol, at huwag panagutin ang Science 37 at mga opisyal, direktor, empleyado, ahente, affiliate, kapalit, at pinaglipatan ng pagmamay-ari nito mula at laban sa anuman at lahat ng anumang uri ng pagkalugi, pinsala, pananagutan, kakulangan, pag-aangkin, aksyon, hatol, areglo, interes, parusa, multa, danyos, halaga, o gastos, kabilang ang makatuwirang bayarin ng mga abugado, na nagmumula o nauugnay sa iyong paggamit o maling paggamit ng Platform o Serbisyo o iyong paglabag sa mga Tuntunin at Kondisyon na ito, kabilang ngunit hindi limitado sa nilalaman na isinumite mo o ginawang available sa pamamagitan ng Platform na ito.
Severability. Kung ang anumang probisyon ng mga Tuntunin at Kondisyon na ito ay labag sa batas o hindi maipatutupad sa ilalim ng naaangkop na batas, ang natitirang probisyon ay aamyendahan upang makamit nang mas malapit hangga't maaari ang bisa ng orihinal na tuntunin at lahat ng iba pang probisyon ng Mga Tuntunin at Kondisyon na ito ay magpapatuloy nang buong puwersa at bisa.
Namamahalang Batas. Ang mga Tuntunin at Kondisyon na ito ay pinamamahalaan at binibigyan ng kahulugan alinsunod sa panloob na mga batas ng Estado ng California, U.S.A. nang hindi binibigyan ng bisa ang anumang pagpipilian o salungatan ng probisyon o panuntunan ng batas. Anumang legal na paghahabla, pagkilos, o paglilitis na nagmumula o nauugnay sa mga Tuntunin at Kondisyon na ito o sa Platform ay eksklusibong isasagawa sa mga korte ng Estado ng California. Ipinapaubaya mo ang anuman at lahat ng pagtutol sa pagpapatupad ng hurisdiksyon sa iyo ng mga nasabing korte at sa pagdaraos sa mga naturang korte.
Buong Kasunduan. Ang mga Tuntunin at Kondisyon na ito at ang aming Patakaran sa Privacy ay bumubuo ng buong kasunduan sa pagitan mo at ng Science 37 patungkol sa Platform at Serbisyo at papalitan ang lahat ng nauna o kaalinsabay na pag-unawa at kasunduan, nakasulat man o pasalita, patungkol sa Platform.
Pagpapaubaya. Walang pagkabigong gamitin, at walang pagkaantala sa paggamit, sa bahagi ng alinmang partido, ng anumang karapatan o anumang kapangyarihan dito ang dapat na magkabisa bilang pagpapaubaya nito, hindi rin ang solong o bahagyang paggamit ng anumang karapatan o kapangyarihan dito ang hahadlang sa karagdagang paggamit ng karapatang iyon o anumang iba pang karapatan dito. Sakaling magkaroon ng salungatan sa pagitan ng mga Tuntunin at Kondisyon na ito at anumang naaangkop na pagbili o iba pang mga tuntunin, ang mga tuntunin ng mga Tuntunin at Kondisyon na ito ang mamamahala.
Update sa mga tuntunin ng kontrata. Ang mga Tuntunin at Kondisyon na ito ay maaaring baguhin paminsan-minsan. Sa pamamagitan ng pagpapatuloy na gamitin ang Platform, sumasang-ayon ka na tanggapin ang lahat ng na-update na Tuntunin. Kung hindi ka sumasang-ayon sa alinman sa na-update na mga Tuntunin at Kondisyon, dapat mong ihinto ang paggamit ng Platform
Makipag-ugnayan sa amin
Kung mayroon kang anumang katanungan tungkol sa mga Tuntunin at Kondisyon na ito o kailangang magbigay ng abiso o makipag-usap sa Science 37, makipag-ugnayan sa amin sa Legal@Science37.com.