Patakaran sa Privacy
Huling binago noong Mayo 24 , 2021
Layunin ng Pandaigidigang Patakaran sa Privacy
Ang Science 37, Inc. ("Science 37," "kami," o "kami") ay nakatuon sa pagprotekta sa iyong impormasyon. Sa layuning ito, nais naming maging pamilyar ka sa kung paano namin pinoproseso ang iyong impormasyon. Ang Pandaigidigang Patakaran sa Privacy ng Science 37 ("Patakaran sa Privacy") ang bumabalangkas sa kung paano namin kinokolekta, ginagamit, at inilalahad ang impormasyon sa pamamagitan ng: aming website na matatagpuan sa
https://www.science37.com/ ; mga klinikal na pagsubok; mga pahina ng social media na kinokontrol namin, kung saan mo ina-access ang Patakaran sa Privacy ("Mga Pahina sa Social Media"); Ang mga naka-format sa HTML na email messages na ipinadala namin sa iyo na naka-link sa Patakaran sa Privacy o iba pang mga komunikasyon sa iyo; at iba pang mga offline na pakikipag-ugnayan sa amin. Sa kabuuan, tinutukoy namin ang website, mga pahina ng Social Media, mga email, at mga pakikipag-ugnayan sa offline na negosyo bilang “Mga Serbisyo”.
Kung ginagamit mo ang aming web-based o mobile application platform para sa isang clinical trial, mangyaring bisitahin ang
Patakaran sa Privacy ng Science 37 Web-based and Mobile Application Platform upang mas malaman ang higit patungkol sa kung paano namin pinoproseso ang impormasyon na nakolekta sa pamamagitan ng Science 37 Platform.
Mga Personal at Ibang Impormasyon na Kinokolekta Namin at Paano Namin Kinokolekta Ito
Personal na impormasyon
Tulad ng ginamit sa Patakaran sa Privacy na ito, ang "Personal na Impormasyon" ay nangangahulugan sa anumang impormasyon na maaaring magamit upang makilala ka bilang isang indibidwal, o makatuwirang maiugnay, direkta o hindi direkta, sa isang tukoy na natural na tao. Kinokolekta sa Mga Serbisyo ang mga sumusunod na uri ng Personal na Impormasyon: pangalan, address, numero ng telepono, email address, iba pang impormasyon ukol sa pakikipag-ugnayan, resume at impormasyon ng CV na isinumite sa isang kumpanya sa pag-a-apply sa trabaho, impormasyong nauugnay sa kalusugan at IP address .
Kailangan naming kolektahin ang Personal na Impormasyon upang maibigay ang hiniling na Mga Serbisyo sa iyo. Kung hindi mo ibibigay ang mga kailangang impormasyon, maaaring hindi namin maibigay ang Mga Serbisyo sa iyo. Kung iyong inihayag ang anumang Personal na Impormasyon na nauugnay sa ibang mga tao sa amin o sa aming mga service provider kaugnay sa mga Serbisyo, iyong ipinakikita na mayroon kang awtoridad na gawin ito at pinapayagan mo kaming gamitin ang impormasyon alinsunod sa Patakaran sa Privacy na ito.
Kami at ang aming mga service provider ay nangongolekta ng Personal na Impormasyon sa iba't ibang mga paraan, kabilang na ang sa pamamagitan ng Mga Serbisyo sa karaniwan; sa pamamagitan ng proseso na ginagamit sa pag-apply sa trabaho ; at mula sa iba pang pagmumulang bagay.
Sa pamamagitan ng “Mga Serbisyo” at Pagrehistro ng Interes sa isang Clinical trial
Kinokolekta namin ang Personal na Impormasyon sa pamamagitan ng “Mga Serbisyo” - halimbawa, kapag nagrehistro ka ng interes sa o nag-sign up para sa isang clinical trial, nagparehistro ng isang account upang ma-access ang “Mga Serbisyo”, dumalo sa isa sa aming mga event, o nag-sign-up para sa isang newsletter.
Kung nagpatala o nag-enroll ka sa isang clinical trial ng Science 37, makatatanggap ka ng detalyadong impormasyon tungkol sa pagpoproseso ng data - kasama ang pangongolekta ng Personal na Impormasyon - sa pagsisimula ng proseso ng clinical trial.
Mga Pagkakataon na Magkatrabaho
Kung nag-a-apply ka ng trabaho sa pamamagitan ng aming website, ang iyong aplikasyon at anumang karagdagang impormasyon na iyong ibibigay ay maaaring magamit upang masuri ang iyong mga kasanayan at interes kontra sa mga oportunidad sa pagtrabaho sa Science 37, at para sa mga layunin ng pag-uulat na maaaring kailanganin ng mga batas na tumutukoy sa isang bansa. Maaari rin naming gamitin ang iyong impormasyon upang makausap ka at upang maipaalam sa iyo ang mga iba pang oportunidad na magka trabaho.
Iba Pang Pagmumulan
Natanggap namin ang iyong Personal na Impormasyon mula sa iba pang pagmumulan - halimbawa, mula sa mga database na puwedeng ma-access ng publiko, mga recruiting partner para sa clinical trial at mga joint marketing partner kapag sila ay nagbahagi ng impormasyon sa amin.
Iba pang Impormasyon
Ang "Iba Pang Impormasyon" ay tumutukoy sa anumang impormasyon na hindi ihinahayag ang iyong tukoy na kakilanlan o hindi direktang nauugnay sa isang makikilalang indibidwal, at may kasamang impormasyon tulad ng uri ng Internet browser at operating system na ginamit; domain name ng website kung saan ka nagmula; bilang ng pagbisita sa website; karaniwang haba ng oras na ginugol sa site; at mga pahinang tiningnan. Maaari kaming gumamit ng Ibang Impormasyon, halimbawa, upang masubaybayan ang kaugnayan nito sa aming website at mapabuti ang performance o nilalaman nito.
Maaari naming gamitin at ihayag ang Iba Pang Impormasyon para sa anumang layunin, maliban na lamang kung kinakailangan naming hindi gawin ito ayon sa ilalim ng naaangkop na batas. Kung kinakailangan namin na gamitin ang Iba Pang Impormasyon bilang Personal na Impormasyon sa ilalim ng naaangkop na batas, maaari namin itong gamitin at ihayag para sa mga layunin na ginagamit namin at ihayag ang Personal na Impormasyon na naka-detalye sa Patakaran na ito. Sa ibang mga pagkakataon, maaari naming pagsamahin ang Iba Pang Impormasyon at Personal na Impormasyon. Kung gagawin namin ito, ituturing namin ang pinagsamang impormasyon bilang Personal na Impormasyon hangga't ang mga ito ay magkakasama.
Kinokolekta namin ang Iba Pang Impormasyon sa iba't ibang paraan, kabilang ang mula sa iyong browser o aparato; cookies; clear gifs / web beacons; analytics; software development kit ("SDKs") at mga mobile advertising ID; mga third-party plugin; online tracking gamit ang third-party (app o software); Adobe Flash Technology; pisikal na lokasyon.
Mula sa Iyong Browser o Device
Ang ilang mga impormasyon ay awtomatikong nakokolekta ng karamihan sa mga browser o sa pamamagitan ng iyong aparato, tulad ng iyong sa Media Access Control (MAC) address, uri ng computer (Windows o Mac), screen resolution, pangalan at bersyon ng iyong operating system, manufacturer at modelo ng aparato, wika, uri at bersyon ng Internet browser at ang pangalan at bersyon ng “Mga Serbisyo” na iyong ginagamit. Ginagamit namin ang mga impormasyong ito para matiyak na gumana nang maayos ang pagtakbo ng “Mga Serbisyo”.
Cookies ( Awtomatikong Naiipon ang Impormasyon sa Iyong Computer )
Gumagamit kami ng cookies sa aming website. Ang cookies ay maliliit na file na naiipon sa iyong computer mula sa iyong web browser. Pinapayagan ng cookie ang aming website na kilalanin kung nabisita mo na ito dati at maaaring ipunin ang mga preperensya ng user at iba pang impormasyon. Halimbawa, ang cookies ay maaaring magamit para sa pangongolekta o pag-iipon ng impormasyon tungkol sa paggamit mo ng aming website sa panahon ng iyong kasalukuyang sesyon at sa paglipas ng panahon (kasama ang mga pahinang nakita mo at mga file na na-download mo), ang operating system at uri ng browser ng iyong computer, ang iyong Internet service provider , ang iyong domain name at IP address, ang iyong karaniwang kinaroroonang lokasyon, ang website na binisita mo bago ang aming website, at ang link na ginamit mo upang umalis sa aming website. Kung nag-aalala ka tungkol sa pagkakaroon ng cookies sa iyong computer, maaari mong i-set ang iyong browser na tanggihan ang lahat ng cookies o i-set mo ang iyong browser na ipakita sa iyo kung may naka-set na cookie, upang makapagpasya ka kung pahihintulutan mo ito. Maaari mo ring i-delete ang mga cookies mula sa iyong computer. Gayunpaman, kung pipiliin mong i-block o tanggalin ang mga cookies, maaaring hindi gumana nang tama ang ilang mga bagay na tampok ng website.
Para sa detalyadong impormasyon tungkol sa paggamit ng cookies ng Science 37, mangyaring sumangguni sa
Patakaran tungkol sa Cookies ng Science 37.
Clear Gifs
Gumagamit kami ng isang teknolohiya ng software na tinatawag na Clear Gifs (kilala rin ito sa tawag na web beacons, web bugs, o pixel tags) kasama ang iba pang mga teknolohiya tulad ng mga e-tag at JavaScript na nakakatulong sa amin na mas mahusay na pamahalaan ang nilalaman sa aming site sa pamamagitan ng pagpapaalam sa amin kung anong nilalaman ang epektibo. Ang mga clear gifs ay maliliit na graphics na may kakaibang katangian, katulad ng mga katangian ng cookies na ginagamit upang subaybayan ang mga online na paggalaw ng mga web-user. Kabaligtaran sa cookies, na naiipon sa computer hard drive, ang clear gifs, na halos kasing laki ng isang tuldok, ay naka-embed nang hindi nakikita sa mga web page. Hindi namin iniuugnay ang mga impormasyong nakakalap ng clear gifs, e-tag, o JavaScript sa Personal na Impormasyon ng aming mga user. Para sa detalyadong impormasyon tungkol sa paggamit ng Science 37 ng mga clear gifs at iba pang mga teknolohiya, mangyaring sumangguni sa
Patakaran tungkol sa Cookies Science 37.
Analytics
Nakikipagtulungan kami sa ilang mga third-party upang makuha ang awtomatikong nakolektang impormasyon na tinalakay sa itaas upang magsagawa ng pagsusuri, pag-audit, pagsasaliksik, at pag-uulat. Ang mga third-party na ito ay maaaring gumamit ng web logs o web beacons, at maaari silang maglagay at mag-access sa mga cookies sa iyong computer o ibang aparato. Sa particular, ang website ay gumagamit ng
Google Analytics upang matulungan ang pagkolekta at suriin ang particular na impormasyon para sa mga layuning tinalakay sa itaas. Maaari mong tanggihan ang paggamit ng cookies ng Google Analytics
dito.
Mga SDK at Mobile Advertising ID
Maaaring magkaroon ang aming “Mga Serbisyo” ng mga third-party SDK na nagpapahintulot sa amin at sa aming mga service provider na mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyong aktibidad. Bilang karagdagan, ang ilang mga mobile device ay mayroong isang advertising ID na puwedeng i-reset (tulad ng IDFA ng Apple at Advertising ID ng Google) na, tulad ng cookies at mga pixel tag, pinahihintulutan kami at ang aming mga service provider na kilalanin ang iyong mobile device sa paglipas ng panahon para sa mga layunin ng advertising.
Third-Party Plugins
Maaaring magkaroon ang aming website ng mga plugin mula sa iba mga kumpanya, kabilang ang mga kumpanya ng social media (hal, ang "Like" button ng Facebook). Ang mga plugin na ito ay maaaring mangolekta ng impormasyon, tulad ng impormasyon tungkol sa mga pahinang binibisita mo, at ibahagi ito sa kumpanya na lumikha ng plugin kahit na hindi ka nag-click sa plugin. Ang mga third-party plugin na ito ay pinamamahalaan ng mga patakaran sa Privacy at mga tuntunin ng mga kumpanya na lumikha sa kanila.
Third-Party Online Tracking
Maaari rin kaming makipagtulungan sa ilang mga third-party upang mangolekta, suriin, at gamitin ang ilan sa impormasyong inilarawan sa seksyong ito. Halimbawa, maaari naming pahintulutan ang mga third-party na maglagay ng cookies o gumamit ng mga web beacon sa website o sa mga email communication mula sa amin. Ang impormasyong ito ay maaaring magamit para sa iba't ibang mga layunin, kabilang ang online website analytics at advertising na batay sa iyong mga interes. Mangyaring tingnan ang seksyon sa ibaba na pinamagatang "Analytics at Advertising na Batay sa Interes" upang higit pang malaman ang tungkol sa paggamit nito.
Mga Pinagsama at Hindi Makilalang Impormasyon
Paminsan-minsan, maaari din kaming kumolekta at magbahagi ng pinagsama o hindi makikilalang impormasyon (“Deidentified”) tungkol sa mga user ng “Mga Serbisyo”. Ang mga nasabing pinagsama o hindi makikilalang impormasyon ay hindi kikilala sa iyo nang personal.
Paano Namin Ginagamit at Pinoproseso ang Iyong Impormasyon
Ginagamit namin at ng aming mga service provider ang Personal na Impormasyon na kinokolekta namin para sa mga sumusunod na layunin:
- Pagbibigay ng mekanismo para tumakbo nang maayos ang “Mga Serbisyo” at matugunan ang iyong mga kahilingan.
- Upang mapatakbo nang maayos ang “Mga Serbisyo” para sa iyo, tulad ng pag-aayos ng access sa iyong nakarehistrong account; pagsasagawa ng mga clinical trial; pagtugon sa iyong mga katanungan o kahilingan patungkol sa “Mga Serbisyo”; o upang makapagbigay ng serbisyo sa kustomer.
- Upang matugunan ang iyong mga katanungan at mga kahilingan, kapag nakipag ugnayan ka sa amin sa pamamagitan ng isa sa aming mga online contact form o hindi man - halimbawa, kapag nagpadala ka sa amin ng mga katanungan, mga mungkahi, papuri o reklamo tungkol sa aming “Mga Serbisyo”.
- Upang makumpleto ang iyong mga transaksyon, masuri ang iyong impormasyon, at maibigay ang mga nauugnay na benepisyo, o serbisyo sa kustomer.
- Upang maipadala sa iyo ang mga impormasyong pang-administratibo, tulad ng mga pagbabago sa aming mga tuntunin, kundisyon, at patakaran, at upang matupad ang mga tuntunin ng anumang kasunduan na mayroon ka sa amin.
- Upang makapaghatid ng mga kumpirmasyon, impormasyon sa account, mga abiso, at mga katulad na komunikasyon sa pagpapatakbo.
- Upang pahintulutan kang magpadala ng mga mensahe sa ibang tao sa pamamagitan ng “Mga Serbisyo” kung pinili mo itong gawin.
Isasagawa namin ang mga aktibidad na ito upang pamahalaan ang aming kontraktwal na relasyon sa iyo at/o sumunod sa isang ligal na obligasyon.
- Pagbibigay sa iyo ng aming newsletter at/o iba pang mga materyales sa marketing at padaliin ang social sharing.
- Upang magpadala sa iyo ang mga email na may kaugnayan sa marketing, na may impormasyon tungkol sa aming “Mga Serbisyo” at iba pang mga paksa na malamang ay may interes ka, kabilang ang mga newsletter, updates, o iba pang mga komunikasyon, kabilang ang mga email.
- Upang mapadali ang pagtakbo ng social sharing na pinili mong gamitin.
Isasagawa naming ang aktibidad na ito na may pahintulot mo o kung saan kami ay may lehitimong interes.
- Pgsusuri ng Personal na Impormasyon para sa pag-uulat ng negosyo at pagbibigay ng isina-personal na “Mga Serbisyo”.
- Upang pag-aralan o hulaan ang mga preperensya ng aming mga user upang maihanda ang pinagsama-samang mga ulat na nauuuso sa kung paano ginagamit ang mga digital na nilalaman ng aming sistema, upang mapabuti namin ang aming “Mga Serbisyo”.
- Upang mapabuti ang karanasan ng user at kalidad ng aming mga produkto at “Mga Serbisyo” sa pangkalahatan , kasama ang pagpapabuti ng website at pagpapahusay sa mga bagay na gagamitin ng user sa website.
- Upang mas maunawaan ang iyong mga interes at preperensya, upang maisa-personal namin ang aming mga pakikipag-ugnayan sa iyo at mabigyan ka ng impormasyon at/o mga alok na iniayon sa iyong mga interes.
- Upang higit na maunawaan ang iyong mga preperensya upang maihatid namin ang nilalaman sa pamamagitan ng aming “Mga Serbisyo” na sa palagay namin ay nauugnay at kawili-wili sa iyo.
Magbibigay kami ng mga naisa-personal na serbisyo batay sa aming mga lehitimong interes, na may pahintulot mo hanggang sa mga bagay na kinakailangan ng naaangkop na batas.
- Pagsasama-sama at/o hindi pagpapakilala ng Personal na Impormasyon.
- Maaari naming pagsama-samahin at/o hindi-ipakilala ang Personal na Impormasyon upang hindi na ito maituring na Personal na Impormasyon. Ginagawa namin ito upang makabuo ng iba pang data para sa aming paggamit, na maaari naming magamit at ihayag para sa anumang layunin, dahil hindi na ito nakikilala na sa iyo ito o sa ibang indibidwal.
- Pagtupad ng aming mga layunin sa negosyo.
- Para sa pagsusuri ng data - halimbawa, upang mapagbuti ang kahusayan ng aming “Mga Serbisyo” (hal; pagpapagana ng karagdagang website analytics at pagsasaliksik hinggil sa “Mga Serbisyo” ) .
- Para sa mga pag-audit, upang mapatunayan na ang aming panloob na mga proseso ay gumagana upang matugunan ang mga ligal, regulasyon, o kontraktwal na mga pangangailangan.
- Para sa pagsubaybay sa pag-iwas sa pandaraya at seguridad laban sa pandaraya. - halimbawa, upang makita at maiwasan ang nga cyberattack o mga pagtatangka sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan.
- Para sa pagbuo ng mga bagong produkto at serbisyo o pagpapabuti pa ng kasalukuyang “Mga Serbisyo”.
- Para sa pagpapahusay, pagpapabuti, pag-aayos, pagpapanatili, o pagbabago ng aming kasalukuyang mga produkto at serbisyo, pati na rin ang pagsasagawa ng mga panukala ukol sa kalidad at kaligtasan.
- Para sa pagkilala sa mga nau-usong paggamit ng site - halimbawa, ang pag-unawa sa aling mga bahagi ng aming “Mga Serbisyo” ang higit na may interes ang mga user (hal; Upang mabilang at kilalanin ang mga bisita sa website at pag-aralan kung paano ginagamit ng mga bisita ang website at iba't ibang mga tampok sa website).
- Para sa pagtukoy kung mabisa ba ang aming mga kampanya sa pagrekrut, upang maiakma namin ang aming mga kampanya sa mga kinakailangan at interes ng aming mga user.
- Para sa pagpapatakbo at pagpapalawak ng aming mga aktibidad ukol sa aming negosyo - halimbawa, pag-unawa sa aling mga bahagi ng aming “Mga Serbisyo” ang pinaka-interesado ang mga usert upang matutukan namin ang pagpapalakas sa pagtugon sa mga interes ng aming mga user.
- Upang matugunan ang mga pangangailangang ligal at/o regulasyon.
- Upang mapamahalaan ang aming negosyo.
Isinasagawa naming ang mga aktibidad na ito upang pamahalaan ang aming kontyratwal na relasyon sa iyo, upang tugunan ang ligal na obligasyon, at/o ayon sa aming lehitimong interes.
Maaari naming iugnay ang nakalap naming na mga impormasyon sa pamamagitan ng website na may mga impormasyon na nakolekta namin sa iba pang mga konteksto. Ngunit sa kaganapang ito, pangangasiwaan namin ang pinagsamang impormasyon sa paraan na naaayon sa mga Patakaran sa Privacyng na ito.
Paghahayag ng Iyong Impormasyon
Ihinahayag namin ang mga Personal na Impormasyon sa mga third-party na sumusuporta sa aming mga clinical trial; at sa pamamagitan ng iba pang mga paraan. Maaari mo ring ipaalam ang iyong Personal na Impormasyon sa sarili mo.
Mga Clinical Trial
Maaari naming ihayag ang Personal na Impormasyon na kinokolekta namin o ibinibigay mo sa amin sa mga third-party na ginagamit namin upang suportahan ang aming mga clinical trial o iba pang “Mga Serbisyo” tulad ng inilarawan sa Patakaran sa Privacy. Ang alinmang naturang third-party ay sumasailalim sa kontraktwal na obligasyon na panatiliing lihim ang Personal na Impormasyon at gamitin lamang ito para sa mga hangaring ihinayag namin sa kanila.
Mga Third-Party Service Provider
Gumagamit ang Science 37 ng mga third-party service provider na nagsasagawa ng mga serbisyo sa para sa amin, kasama ang mga kumpanya ng web hosting, mga mail service vendor, at mga analytics provider. Ang mga service provider na ito ay maaaring mangolekta at/o gumamit ng iyong impormasyon, kasama ang impormasyon na tumutukoy s aiyo nang personal, upang tulungan kaming makamit ang aming mga layuninn na tinalakay sa itaas.
Maaari naming ibahagi ang iyong impormasyon sa iba pang mga third-party kung kinakailangan upang matupad ang iyong mga kahilingan para sa mga serbisyo; upang makumpleto ang isang transaksyon na iyong sinimulan; upang matugunan ang mga tuntunin ng anumang kasunduan na mayroon ka sa amin o sa aming mga ka-partner; o upang pamahalaan ang aming negosyo.
Iba Pang Mga Paggamit at Paghahayag
Ginagamit din namin at ihinahayag ang iyong Personal na Impormasyon kung kinakailangan o naaangkop, partikular na kung mayroon kaming ligal na obligasyon o lehitimong interes na gawin ito, kasama ang:
- Upang sumunod sa utos ng korte, batas, o ligal na proseso, kabilang ang pagtugon sa kahilingan ng gobyerno o ng regulasyon, na maaaring kasama ang mga batas sa labas ng iyong tinitirahang bansa.
- Upang makipagtulungan sa publiko at mga awtoridad ng gobyerno, kabilang ang pagtugon sa isang kahilingan o upang magbigay ng impormasyon na sa tingin namin ay kinakailangan o naaangkop (maaaring kasama dito ang mga awtoridad sa labas ng iyong tinitirahang bansa).
- Upang makipagtulungan sa pagpapatupad ng batas, kasama, halimbawa ang pagtugon namin sa mga kahilingan sa pagpapatupad ng utos at batas, o magbigay ng impormasyon na pinaniniwalaan naming na mahalaga.
- Para sa iba pang mga ligal na kadahilanan, kabilang ang pagpatupad ng aming mga tuntunin at kundisyon o upang protektahan ang aming mga karapatan, Privacy, kaligtasan o pag-aari, at/o pareho sa iyo o sa aming mga affiliate, o iba pa.
- Kaugnay sa isang pagbebenta o transaksyon sa negosyo. Mayroon kaming lehitimong interes sa paghahayag o paglilipat ng iyong Personal na Impormasyon sa isang third-party sakaling magkaroon ng muling pagsasaayos, pagbuklod , pagbebenta, joint venture, pagtatalaga, paglipat, o iba pang disposisyon ng lahat o anumang bahagi ng aming negosyo, mga asset, o stock (kabilang ang kaugnay sa anumang pagkalugi o katulad na paglilitis).
Sariling Paghahayag
Sa pamamgitan ng paggamit ng “Mga Serbisyo” , maaari mong piliin na ihayag ang Personal na Impormasyon, kasama dito ang paghahayag sa pamamagitan ng mga board message, chat, mga pahina ng profile, blog, at iba pang “Mga Serbisyo” kung saan magagawa mong mag-post ng impormasyon at nilalaman (kasama, nang walang limitasyon, ang aming Mga Pahina sa Social Media). Mangyaring tandaan na ang anumang impormasyon na iyong nai-post o isiniwalat sa pamamagitan ng “Mga Serbisyo” dito ay mailalathala pampubliko at maaaring gamitin ng iba pang mga user at ng pangkalahatang publiko. Kasama rin dito ang paghahayag sa pamamagitan ng iyong aktibidad sa social sharing.
Interest Based at Third-Party Advertising
Pinapayagan din ng website ang mga mekanismo ng pagsubaybay na gamit ng mga third-party upang mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyo at sa iyong mga computing device para gamitin sa online advertising na batay sa iyong mga interes. Halimbawa, ang mga third-party na katulad ng Facebook, ay maaaring gamitin ang katotohanan na binisita mo ang aming website upang ma-target nila ang mga online ads nila sa iyo. Bilang karagdagan, ang aming mga third-party advertising network ay maaaring gumamit ng impormasyon tungkol sa iyong paggamit ng aming website upang matulungan ang pagtarget ng ads na ibinase sa iyong pangkalahatang aktibidad online. Para sa impormasyon tungkol sa mga gawain sa advertising na nakabatay sa interes, kasama na ang Privacy at kompidensiyalidad, bisitahin ang website ng
Network Advertising Initiative o ang website ng
Digital Advertising Alliance.
Ang paggamit ng mga third-party ng mga mekanismo sa pagsubaybay sa online ay napapailalim sa sarili nilang mga Patakaran sa Privacy, at hindi sa Patakaran sa Privacy na ito. Kung nais mong pigilan ang mga third-party mula sa pagtatakda at pag-access sa mga cookies sa iyong computer o iba pang aparato, maaari mong i-set ang iyong browser upang harangin ang mga cookies. Bilang karagdagan, maaari mong alisin ang iyong sarili mula sa mga naka-target ng advertising ng mga kumpanya sa loob ng Network Advertising Initiative sa pamamagitan ng pag-opt out
dito, o ng mga kumpanyang lumahok sa Digital Advertising Alliance sa pamamagitan ng pag-opt out
dito . Bagama’t kasalukuyang hindi makatugon ang aming website sa mga "do not track" na mga browser header, maaari mong limitahan ang pagsubaybay sa mga programang ito ng third-party at sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba pang mga hakbang na tinalakay sa itaas.
Maaari mo ring bisitahin ang aming
Cookie Policy upang mas matutunan mo ang tungkol sa kung paano namin ginagamit ang cookies at kung paano mo maaaring i-set ang iyong mga cookie preference.
Paglipat at Pagtatago ng Iyong Impormasyon
Ang punong-tanggapan ng Science 37 ay nasa Los Angeles, California, sa Estados Unidos . Ang iyong Personal na Impormasyon ay maaaring mailagay at maproseso sa anumang bansa kung saan mayroon kaming mga pasilidad o kung saan nakikipag-ugnayan kami sa mga service provider, at sa pamamagitan ng paggamit ng “Mga Serbisyo”, nauunawaan mo na ang iyong impormasyon ay maililipat sa mga bansa na nasa labas ng iyong tinitirahang bansa, kasama na ang Estados Unidos na maaaring may mga panuntunan sa data protection na naiiba sa iyong bansa. Sa ilang mga sitwasyon, ang mga korte, ahensya na nagpapatupad ng batas, mga ahensya sa regulasyon o awtoridad sa seguridad sa ibang mga bansa ay maaaring magkaroon ng karapatang i-access ang iyong Personal na Impormasyon.
Karagdagang Impormasyon Tungkol sa EEA, Switzerland at UK
May ilang mga bansa na hindi EEA ay kinikilala ng European Commission, Switzerland at UK bilang pagbibigay nito ng sapat na antas ng data protection alinsunod sa kanilang mga pamantayan (ang buong listahan ng mga bansa na may sapat proteksyon ay
naririto). Para sa mga paglipat mula sa EEA, Switzerland at UK patungo sa mga bansa na hindi itinuturing na sapat ng European Commission, naglagay kami ng sapat na mga hakbang, tulad ng pamantayan ng mga kontraktwal na sugnay na pinagtibay ng European Commission upang protektahan ang iyong Personal na Impormasyon. Maaari kang makakuha ng kopya ng mga hakbang na ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa amin alinsunod sa seksyon ng "How to Contact Us" sa ibaba.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan na nauugnay sa Privacy tungkol sa paglipat o pagtatago ng iyong Personal na Impormasyon, mangyaring makipag-ugnay sa amin sa
Privacy@Science37.com.
Pagpapanatili ng Data
Ipinapanatili namin ang iyong personal na impormasyon ayon sa haba ng oras na kinakailangan o pinahintulutan alinsunod sa (mga) layunin kung saan ito nakuha, tulad ng nakabalangkas sa Patakaran sa Privacy na ito, at/o alinsunod sa naaangkop na batas.
Ang pamantayan na ginamit upang matukoy ang aming mga retention period ay kasama ang:
- Ang haba ng oras na kung saan mayroon kaming nagpapatuloy na ugnayan at nagbibigay ng “Mga Serbisyo” sa iyo (halimbawa, hangga't mayroon kang account sa amin o patuloy na ginagamit ang “Mga Serbisyo” );
- Kung mayroong isang ligal na obligasyon kung saan napapailalim kami (halimbawa, ang paghiling ng ilang mga batas sa amin na itago ang tala ng iyong mga transaksyon sa isang tiyak na haba ng panahon bago namin ito alisin); o
- Kung ang pagpigil o pagpapanatili ng data ay kapakipakinabang para sa aming ligal na posisyon (tulad ng patungkol sa mga naaangkop na batas ng mga limitasyon, paglilitis o pagsisiyasat sa regulasyon).
Seguridad
Nakatuon ang Science 37 na protektahan ang Personal na Impormasyon na ibinabahagi mo sa amin.
Hinahangad naming gumamit ng isang kumbinasyon ng mga makatuwirang teknolohiya para sa seguridad, pamamaraan, at mga hakbang na makapag o-organisa na mga hakbang upang matulungang protektahan ang iyong Personal na Impormasyon mula sa hindi awtorisadong pag-access, paggamit, o paghahayag nito. Sa kasamaang palad, walang data transmission o storage system ang garantisadong 100% ligtas. Kung sa palagay mo o mayroon kang dahilan upang maniwala na ang iyong pakikipag-ugnayan sa amin ay hindi na ligtas, mangyaring ipagbigay-alam kaagad sa amin alinsunod sa seksyong " How to Contact Us
" sa ibaba.
Sensitibong impormasyon
Maliban lamang kung saan namin ito kinakailangan, hinihiling namin sa iyo na huwag mong ipadala, at huwag mong ihayag, ang anumang sensitibong Personal na Impormasyon (hal. Mga numero ng Social Security System, impormasyong nauugnay sa pinagmulan ng lahi o etniko, opinyon sa politika, relihiyon o iba pang mga paniniwala, kalusugan, biometrics o mga katangiang genetiko, criminal background, o pagiging kasapi sa Unyon ng mga manggagawa) sa pamamagitan ng “Mga Serbisyo” o maging sa amin.
Mga bata
Ang “Mga Serbisyo” ng Science 37 ay hindi nakadirekta sa mga indibidwal na wala pa sa edad na labing walong (18), at hindi namin intensyonal na kinokolekta ang mga Personal na Impormasyon mula sa mga indibidwal na wala pang 16 taong gulang nang hindi humihingi at kumuha ng pahintulot mula sa magulang o ligal na tagapag-alaga ng menor de edad, kung kailanganin ng naaangkop na batas.
Ang Iyong mga Pagpipilian Tungkol sa Direct Marketing
Binibigyan ka namin ng mga opsyon tungkol sa aming paggamit at paghahayag ng iyong Personal na Impormasyon, kabilang ang para sa mga hangarin sa pagmamarka.
Kung hindi mo nais na makatanggap ng mga email mula sa amin sa hinaharap, maaari kang mag-unsubscribe anumang oras sa pamamagitan ng pag-click sa link na "mag-unsubscribe" o makipag-ugnayan sa
Privacy@Science37.com.
Nag-aalok din ang Science 37 ng partial na opsyon sa pag-opt-out. Pinapayagan ka ng opsyong ito na pumili ng mga elemento ng data na nais mong ibigay at hindi mo nais na ibigay. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-opt out sa pagbibigay ng ilang mga elemento ng data, makipag-ugnayan sa amin sa
Privacy@Science37.com.
Ang Science 37 ay hindi nagbabahagi ng Personal na Impormasyon sa mga third-party para sa kanilang mga direct marketing nang walang pahintulot mo.
Susubukan ng Science 37 na tumugon sa iyong (mga) kahilingan sa lalong madaling panahon na naaayon sa naaangkop na batas. Mangyaring tandaan na kung pipiliin mo ang mag opt-out mula pagtanggap ng mga marketing emails mula sa amin, maaari ka pa rin naming padalhan ng mahahalagang administratibong mga mensahe, kung saan hindi ka maaaring mag-opt out.
Ang Iyong mga Karapatan
Kung nais mong humiling na ma-access, itama, i-update, pigilan, higpitan, o tanggalin ang Personal na Impormasyon, tumututol o mag-opt out sa pagproseso ng Personal na Impormasyon, o kung nais mong humiling na makatanggap ng kopya ng iyong Personal na Impormasyon para sa mga layunin ng paglilipat nito sa ibang kumpanya Kung hanggang saan ang mga karapatang ito ay ibinibigay sa iyo ng naaangkop na batas), mangyaring makipag-ugnayan sa amin gamit ang contact information na matatagpuan sa hulihan ng Patakaran sa Privacy na ito. Tutugon kami sa iyong kahilingan na naaayon sa naaangkop na batas. Kung ikaw ay residente ng California, mangyaring sumangguni sa seksyong “Additional Information Regarding California” sa hulihan ng Patakaran sa Privacy na ito para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kahilingan na maaari mong gawin sa ilalim ng CCPA.
Sa iyong kahilingan, mangyaring linawin kung anong Personal na Impormasyon ang nais mong baguhin o kung nais mong pigilan ang iyong Personal na Impormasyon mula sa aming database. Para sa iyong proteksyon, maaari lamang kaming magpatupad ng mga kahilingan tungkol sa Personal na Impormasyon na nauugnay sa partikular na email address na iyong ginagamit upang maipadala sa amin ang iyong kahilingan, at maaaring kailanganin naming i-verify ang iyong pagkakakilanlan bago ipatupad ang iyong kahilingan. Susubukan naming sumunod sa iyong kahilingan at maisasagawa ito sa lalong madaling panahon.
Mangyaring tandaan na maaaring kailanganin naming magtira ng ilang mga impormasyon para sa mga layunin ng recordkeeping.
Kung aatras ka o naka-atras ka na mula sa isang clinical trial, hindi kami mangongolekta o tatanggap ng anumang bagong impormasyon mula sa “Mga Serbisyo”. Gayun pa man, ang impormasyon na nakolekta, naproseso, at nakatago nang hanggang sa oras na humiling ka ng withdrawal ay maaaring hindi na mabura, at maaaring patuloy na ito ay gagamitin para sa mga layunin ng clinical trial, kabilang ang pagsunod sa mga pangangailangan ng regulasyon, maliban na lamang kung nangangailangan ang naaangkop na batas ng ibang paraan.
Mga Third-Party Link
Ang website na ito ay maaaring maglaman ng mga link sa mga website ng third-party. Kung gagamitin mo ang mga link na ito, iiwanan mo at lalabas ka ng website. Ang Patakaran sa Privacy na ito ay hindi tinutugunan, at hindi kami responsable para rito, ang Privacy, impormasyon, o iba pang mga kasanayan ng anumang mga third-party, kasama ang anumang third-party na nagpapatakbo ng anumang website o serbisyo na kung saan naka-link ang “Mga Serbisyo” . Ang pagbuklod ng isang link sa “Mga Serbisyo” ay hindi nagpapahiwatig ng aming pag- eendorso ng naka- link na site o serbisyo .
Bilang karagdagan, hindi kami responsable para sa pagkolekta ng impormasyon, paggamit, paghahayag, o mga patakaran sa seguridad o kasanayan ng iba pang mga organisasiyon, tulad ng Facebook, Apple, Google, Microsoft, RIM, o anumang iba pang app developer, app provider, social media platform provider, provider ng operating system, wireless service provider, o device manufacturer, kabilang na ang patungkol sa anumang Personal na Impormasyon na inihayag mo sa iba pang mga samahan sa pamamagitan o kaugnay ng aming mga Social Media pages. Kung magpasya kang i-access ang anuman sa mga site ng third-party na nakalista sa aming website, gagawin mo ito sa iyong sariling pasya.
Mga pagbabago sa Patakaran sa Privacy
Maaari kaming gumawa ng mga pagbabago sa website sa hinaharap at, bilang resulta, kakailanganin naming baguhin ang Patakaran sa Privacy na ito upang maipakita ang mga pagbabagong iyon. Ipo-post namin ang lahat ng naturang mga pagbabago sa website, kaya dapat mong repasuhin ang pahinang ito paminsan-minsan. Ang anumang mga pagbabago ay magiging epektibo kapag na-post namin ang binagong Patakaran sa Privacy sa “Mga Serbisyo” .
Paano Makipag-ugnay sa Amin
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o komento tungkol sa Pandaigdigang Patakaran sa Privacy ng Science 37, mangyaring makipag-ugnay sa amin sa
Privacy@Science37.com.
Maaari ka ring makipag-ugnay sa aming Privacy Officer sa:
Science 37, Inc.
Jen Davis, Deputy General Counsel and Privacy Officer
Privacy@Science37.com
600 Corporate Pointe #320
Culver City, CA 90230
Karagdagang Impormasyon Tungkol sa EEA at UK
Maaari ka rin:
- Makipag-ugnay sa aming Data Protection Officer (DPO): Privacy@Science37.com
- Mag-file ng isang direkta na reklamo sa anumang nauugnay na awtoridad sa pangangasiwa para sa iyong bansa o rehiyon kung saan mayroon kang kinaugalian na tirahan o lugar ng trabaho o kung saan naganap ang isang hinihinalang paglabag sa naaangkop na batas sa data protection. Ang listahan ng mga awtoridad sa data protection ay magagamit sa http://ec.europa.eu/newsroom/article29/item-detail.cfm?item_id=612080 .
Karagdagang Impormasyon Tungkol sa California
Alinsunod sa Batas sa California Consumer Privacy Act of 2018 (“
CCPA”), nagbibigay kami ng mga sumusunod na karagdagang detalye tungkol sa mga kategorya ng Personal na Impormasyon na kinokolekta namin, ginagamit, at ihinahayag tungkol sa mga residente ng California.
Koleksyon, Paghahayag ng Personal na Impormasyon
Ang chart sa ibaba ay may kalakip na: (1) mga kategorya ng Personal na Impormasyon, tulad ng nakalista sa CCPA, na plano naming kolektahin at nakolekta at inihayag sa loob ng naunang 12 buwan; at (2) ang mga kategorya ng mga third-party kung saan namin inihayag ang Personal na Impormasyon para sa aming mga layunin sa pagpapatakbo ng negosyo sa loob ng naunang 12 buwan.
Mga kategorya ng Personal na Impormasyon |
Naihayag sa kung aling Aling Mga Kategoryang ng mga third party para sa Mga Pakay ng Operational Business |
Ang mga identifier , tulad ng pangalan, alias, impormasyon sa pakikipag-ugnay, natatanging mga personal na pagkakakilanlan, online identifier |
mga tagapagbigay ng serbisyo; kasosyo sa negosyo; ligal na awtoridad |
Ang mga impormasyon sa aktibidad sa Internet o network , tulad ng kasaysayan ng pag-browse, kasaysayan ng paghahanap at pakikipag-ugnayan sa aming mga online properties o ads. |
mga tagapagbigay ng serbisyo |
Pagbebenta ng Personal na Impormasyon
Sa ilalim ng CCPA, kung ang isang negosyo ay nagbebenta ng Personal na Impormasyon, dapat nitong payagan ang mga residente ng California na mag-opt out sa pagbebenta ng kanilang Personal na Impormasyon. Hindi namin "ipinagbibili" ang Personal na Impormasyon. Hindi namin ipinagbibli ang Personal na Impormasyon ng mga menor de edad na wala pang 16 na taong gulang.
Pinagmulan ng Personal na Impormasyon
Kinokolekta namin ang Personal na Impormasyon na ito tulad ng inilarawan sa itaas, kabilang ang nagmula sa iyo sa tuwing nakikipag-ugnayan ka sa amin sa pamamagitan ng “Mga Serbisyo”.
Paggamit ng Personal na Impormasyon
Maaari naming gamitin ang Personal na Impormasyon na ito upang mapatakbo, pamahalaan, at mapanatili ang aming negosyo, upang maibigay ang aming mga produkto at serbisyo, at upang makamit ang aming mga layunin at layunin sa negosyo, kabilang ang nailarawan sa itaas.
Mga Karapatan at Kahilingan ng CCPA
Mga Kahilingan sa Pag-alam at Pag-delete
Kung ikaw ay residente ng California, maaari kang gumawa ng mga sumusunod na kahilingan:
(1)
Humiling na Malaman : Maaari kang humiling na ipaalam namin sa iyo ang sumusunod na (Request to Know) impormasyon na sumasaklaw sa 12 buwan bago ang iyong kahilingan:
- Ang mga kategorya ng Personal na Impormasyon na aming nakolekta tungkol sa iyo at mga kategorya ng mga mapagkukunan mula sa kung saan namin nakolekta ang naturang Personal na Impormasyon;
- Ang mga tukoy na bahagi ng Personal na Impormasyon na aming nakolekta tungkol sa iyo;
- Ang layuning pang negosyo o komersyal para sa pagkolekta ng (kung ito ay naaangkop) Personal na Impormasyon tungkol sa iyo; at
- Ang mga kategorya ng Personal na Impormasyon tungkol sa iyo na aming naibahagi o naihayag, at ang mga kategorya ng mga third-party na kung kanino naming naibahagi o naihayag ang naturang Personal na Impormasyon (kung ito ay naaangkop).
(2)
Humiling na Tanggalin : Maaari kang humiling na tanggalin namin ang Personal na
(Request to Delete) Impormasyon na aming nakolekta mula sa iyo.
Upang makagawa ng Kahilingan na Malaman (Request to Know), o Kahilingan na Tanggalin (Request to Delete), mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa 1-866-888-7580 o alinsunod sa seksyong “How to Contact Us” sa itaas. Susuriin namin at tutugunan ang iyong kahilingan na naaayon sa naaangkop na batas, ipinasa-alang-alang ang uri at pagka sensitibo ng Personal na Impormasyon na napapailalim sa kahilingan. Maaaring kailanganin naming humiling ng karagdagang Personal na Impormasyon mula sa iyo, tulad ng iyong pangalan, email address o Numero ng Telepono, upang mapatunayan ang iyong pagkakakilanlan at maprotektahan laban sa mga Mapanlinlang na Kahilingan. Maaari kang gumawa ng kahilingan para sa ngalan ng isang bata na wala pang 13 taong gulang kung ikaw ay ang magulang ng bata o ligal na tagapag-alaga nito. Kung gumawa ka ng Kahilingan na Tanggalin (Request to Delete), maaari naming hilingin sa iyo na kumpirmahin mo ang iyong kahilingan bago namin tanggalin ang iyong Personal na Impormasyon.
Kung nais mong gumawa ng Kahilingan na Malaman o Kahilingan na Tanggalin (Request to Know o Request to Delete) bilang isang awtorisadong ahente sa ngalan ng isang residente ng California, maaari mong gamitin ang mga pamamaraan ng pagsusumite na nabanggit sa itaas. Bilang bahagi ng aming proseso ng pag-verify, maaari naming hilingin na magbigay ka, kung alin ang naaangkop, ng patunay hinggil sa iyong katayuan bilang isang awtorisadong ahente, na maaari ring malakip ang:
1. Katibayan ng iyong pagpaparehistro sa Kalihim ng Estado ng California upang magsagawa ng negosyo sa California;
2. Katibayan ng isang kapangyarihan ng abugado mula sa residente alinsunod sa Probate Code section 4121-4130.
Kung ikaw ay isang awtorisadong ahente at hindi ka binigyan ng isang kapangyarihan ng abugado mula sa residente alinsunod sa mga seksyon ng Probate Code 4121-4130, maaari din naming hilingin sa residente na:
1. Patunayan nang direkta sa amin ang pagkakakilanlan ng residente; o
2. Direktang kumpirmahin sa amin na ang residente ay nagbigay sa iyo ng pahintulot na magawa ang kahilingan.
Karapatan sa Walang Diskriminasyon
May karapatan kang maging malaya mula sa diskriminasyon na labag sa batas na para sa paggamit ng iyong mga karapatan sa ilalim ng CCPA.